Apr 26 2006
TO Missy
sa malayung lugar di ko inasahan
isang binibini melissa ang ngalan
larawan ng lungkot saya’t may kagalingan
di ko lubos maiisip may taglay na kahinaan
sa pagiibig pala’y marupok pa kung minsan
sadyang binigay ng hanging amihan isang lalaki siya’y si superman
nais nyang arukin tunay na iniirog
dyan lang pala sa internet puso’y nahuhubog
mistulang banal maging sino ka man
kapag dikta ng damdamin wlang hahadlang
sa maginoo’t marikit wala ng urungan
sa tibok ng puso lalong naninindigan
sundin ang pagibig kapag may katwiran
sana’y wag madapa baka mo pagsisihan
kailangan magsama sa hirap man o ginhawa
ang tunay na damdamin sa yong ginigiliw
di kayang sukatin hanagang san man abutin
pakaisiping mabuti ang liwanag ng damdamin
baka bukas makalawa madilim na suliranin
masaktan kang lubusan sa yong iibigin
panalangin kong lagi sa aking katoto
wag masyadong madahas sa silakbo ng damdamin
ang puso mo giliw katulad ng larawan
sa malinaw man o malabo ingat sa silakbo
sadyang darating sa iyo ang tunay na pagibig
kung talagang iingatan ang puso mo
kakamtan ang ligaya kahit sa isipan
mahaba man o maiksi ang tula ko sa lakambini
pero sa pagibig kamayan lang wagas isusukli
magiiwan ng alaala sa sinumang makadiskubri
di mabubura, ito’y maitatala! sa susunod na lahi nitong si melissa!!!!!!