May 20 2005

TAYONG DALAWA

Published by sweetmelissa at 12:47 pm under Poems

Nagsimula ang lahat sa biruan

Hindi akalaing tayo’y magkatagalan

Nag-umpisa sa biru-biro

Hanggang sa nagkasundo

Hindi inaakalang magkarelasyon

Hanggang magkaroon ka ng determinasyon

Pinanindigan ang gusot na pinasok

Kahit alam mong mahirap na pagsubok

Sa isang taon nating pagsasama

Nakilala natin ang isa’t isa

Nagkaroon ng pag-asa’t pangarap

Na inaasahang magtutupad sa hinaharap

Nandoon ang tampuhan

Mayroon ding awayan

Nguni’t sa puso’t isipan

Hindi matatagalan

Punong-puno ng saya ang ating pagsasama

Marami ring problema sa tuwina

Mahal mo ako, mahal din kita

Kaya’t kahit anong mangyari

Tayong dalawa!!!!




Comments RSS

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.